Kwentong MRT

MRT! MRT! MRT! Nakasakay ka na ba dito? Yung byaheng "RUSH HOUR" mula AYALA haggang NORTH AVENUE.

Ito siguro ang isa sa pinaka exciting na experience ko bawat araw,

at isa lang ang masasabi ko, "nakaka S".

Araw - araw pumapasok ako sa trabaho. Alas singko ng hapon uwian na kaya naman lahat ng nagtratrabaho dito sa bayan na sentro ng komersyalismo, eh nagmamadali ng sumakay ng jeep o di kaya ay bus papuntang EDSA at sa malapit na MRT Station.

Sa dami ng tao dito, 5 araw sa isang linggo, nagmimistulang mga langgam ang mga tao na sabay sabay na lumalabas sa mga establisyementong pinagtratrabahuan nila.

Napahaba ata yung pasakalye ng kwento ko, pagpasensyahan nyo na "
First Time" ko lang gumawa ng blog. Kaya eto na, ang pinaka nilalaman ng kwentong ito.

Isang jeep lang ang kailangan kong sakyan para makarating sa MRT Ayala Station. Sa isang jeep na ito, nalaman kong hindi pala lahat ng naka pang "office attire" eh nagbabayad ng pamasahe sa jeep (
tsk tsk, kawawa naman si Manong Drayber) at meron din namang mga naka "office attire" na kumukuha ng sukli sa pamasahe, pero di naman sila nagbayad. Lagi kong napapansin yan kasi madalas nag - aaway yung pasahero at yung drayber.

Oooopppsss, napapahaba na naman ang mga pasakalye ko.

Eto na talaga, napahaba na naman yung mga sinasabi ko. Pasensya na ulit.

Pagdating ko sa MRT Station, as usual tulad ng mga nagdaang araw, aakalain mong Premiere Night ng isang box office movie ang pila ng mga taong sasakay at bibili ng ticket. Maswerte ka na kung makapasok ka sa loob ng wala pang minuto (
10% lang ang chance na mangyari toh, maniwala ka). Madaming sumasakay dito kasi mura na mabaho pa este mabilis pa kumpara sa bus na sasakyan mo, tiyak magpapawis ang pwet mo bago ka makarating sa pupuntahan mo sa tagal ng byahe.

5:30 nasa MRT na ako, masayang masaya dahil maaga akong makakauwi. Pero pag silip ko sa baba mula sa sinasakyang escalator, isa lang ang nasabi ko "
@#$%^& na naman?". Madalas kasi masiraan ang MRT kaya maghihintay ka pa ng 15 minuto bago dumating yung susunod na tren, at bago dumating yung isang tren, sigurado akong sardinas na ang tinatayuan mong platform at lahat kayo'y nanggigitata na sa pawis. Mapapansin mo lahat ng bag ng sasakay dito ay nakalagay sa harap nila, yun ay dahil merong mga makakati ang kamay na pasahero na kumukuha ng mga bagay na di naman nila pag-aari.

Sa dami ng taong naghihintay makasakay ng MRT papuntang Norte, aakalain mong ginawang advance ang FLOAT PARADE ng MMFF. Dahil na rin sa dami ng mga taong naghihintay na gustong - gusto ng makauwi, mahihirapan kang makapasok sa sa loob ng tren dahil sa tulakan.

Bago ka makapasok ng tren mababalda ka muna, at bago ka naman makalabas eh patay ka na. I
ts either you died due to suffocation or due to internal bleeding of your internal organs because of the momentum that was applied to you in a sudden period. Naks, epistaxis ah.

Tuwing dadating na ang tren, lahat ng mga Marvel SuperHeroes at mga Villains, naglalabasan para lang makapasok. Madami na akong nakitang Marvel SuperHeroes dito. Nandyan c
Incredible Hulk, The Thing, Juggernaut, NightCrawler, Colossus, BlackHeart. Isama na natin ang mga Heroes ng DoTA, tulad nila Sven, Pudge, TideHunter, Pandaren at c BroodMama.

Kung sakaling nakasakay ka na ng MRT malamang kilala mo tong mga taong ito, at kung hindi pa, ipapakilala ko sila sayo.

Simulan natin.

Mr. PUSHER - hindi siya nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot, pero dahil sa kanya malalagas ang bawat parte ng katawan mo. Siya yung nasa bandang dulo ng pila na todo ang tulak sa mga nasa harapan para lang makasakay ng tren. Malas mo pag nagitgit ka sa may pintuan dahil sa kanya.

Mr. TAWAS - siya naman yung hahawak sa steel bar na nasa gitna ng daan sa loob ng tren. Malas ka rin pagnakatabi mo to, lalo na kung di kayo magkasaing tangkad. Malamang hahalikan mo ang kanyang napakabango at bumubulang kili-kili. Yikes !

Ms. TARAY - siya naman yung nilalang na hindi ko alam kung tao ba o nana. Ayaw nito ng nasasagi kahit daplis lang, dahil pag nasagi mo siya uulan ng bullet slugs sa tren( kakatalak ).

Mr. HELLO - ito yung taong nakikipag-usap sa telepono na tumatalsik yung laway habang nagsasalita. Kapag nasa harapan mo toh at ikaw nakaupo, maghanda ka na ng sabon at shampoo dahil magiging wet ka.

Mr. MANDURUKOT - sila yung mga lalakeng mahilig mandukot ng ari. Magugulat ka na lang me kung anung bagay na ang dumadampi sa harapan ng pantalon mo di kaya sa bandang likuran mo. Kaya pag nagsalita yung driver ng MRT na " Mag-ingat sa mandurukot." Kapain mo na agad pitaka mo, pati yung nasa harapan mo.

Mr. Dutdut - Hindi ko alam kung napag-aaralan ba o namamaster ang pagdutdut. Pero itong si sir Dutdut, sigurado akong nag masteral toh dahil magaling siyang mangdutdot mapalalaki man o babae. Walang sinasanto, mabigyan lang ng maginhawang pakiramdam habang nakasakay sa tren.


Marami pang kakaibang nilalang sa loob ng tren. Di pa ko nakaka isip ng pangalan para sa kanila eh, kaya hintayin mo ang susunod na blog ko para makilala mo pa ang iba sa kanila.

Minsan iniisip ko, madali sigurong tataba ang halaman kung nakalagay sa loob ng tren ng MRT, puro kasi Carbon Dioxide eh lalo na pag rush hour.

TIP: Wag na wag kang tatayo o pupwesto malapit sa pintuan ng tren. Dahil dun nagaganap ang masalimuot na karanasan pag nasa MRT ka. =)