Edukasyon sa Perlas ng Silangan!


Nakakatawang isipin na may mga bagay talaga sa mundo na pumipigil para maging maayos ang landas na pipiliin mo.





Dahil sa mga ganitong bagay kaya hindi naaayos ang kalidad ng edukasyon sa bansa.







Hindi ko lubos maisip na kawawa talaga ang mga estudyante na napa ilalim sa bulok na sistema ng lipunan.

Maraming mga pulitiko at dalubhasa ang nagsasabi na marami daw sa mga estudyanteng Pilipino ang hirap umintindi ng mga aralin sa bawat asignatura.

Sumagi sa isip ko na kung ang mga magtatapos ng hayskul, ay makakapasok sa mga magagandang paaralan o unibersidad, di sana mas lumalawak ang nalalaman nila sa bawat asignatura para naman mas tumaas ang kalidad.

Pero may mga tanong na sumasagi sa isip ko.

1) Paano ba makakapasok isang estudyanteng mababa ang marka sa paaralang mayroong de kalidad na pamantayan sa pagtuturo?

2) Abot kaya ba ng simpleng mamamayan ang matrikula doon?



- Kung lahat lang sana ng mga estudyanteng nahihirapan umintindi sa mga aralin nila ay makakapag aral sa mga paaralang " UP, ATENEO, LA SALLE, MAPUA, FEU, LETRAN" pagtungtong nila ng KOLEHIYO, di sana mas magiging produktibo sila pagdating ng panahon.

- Kung hindi sana hinuhusgahan ang isang estudyante base sa kanyang mga MARKA, kundi ang kagustuhan nya talagang matuto at makapag-aral.

Hindi ba mas gaganda ang kalidad ng edukasyon sa Pinas kung lahat ng mga estudyanteng nahihirapan o sabihin na nating MAHINA sa klase ay lubos na binibigyang atensyon at hinahayaan makapasok sa mga Unibersidad nay may magagandang turo?

Hindi ko alam kung maganda ba ang "KOMPETISYON" sa mga Unibersidad pagdating ng kolehiyo. Pero siguro ito ang susukat sa kalidad ng turo nila.

Pero ang lubos kong hindi maintindihan, ay ang pagsingil nila ng mataas na "MATRIKULA" sa mga estudyante.

Pano nga ba naman makakakuha ng de-kalidad na turo ang mga estudyante kung sa matrikula pa lang, pinapatay ka na sa problema.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit napakamahal ng EDUKASYON sa Pilipinas.

Yung tipong mga ELITISTA lang ang makakakuha.

Sa ganoong paraan pa lang, nilalagyan na nila ng harang yung dalawang estado ng lipunan eh.



0 Responses to "Edukasyon sa Perlas ng Silangan!"