BORDS!


Pinoy, nakakamangha ka talaga. Kahit ano nagagawan mo ng paraan para mapasaya ang ibang tao.


Talibong1, +10000000000 points para sa ginawa mo..



Hahahahah.. Isa na namang bidyo na pantanggal ng stress. Astig, gawang pinoy!





Minsan pinuntahan ko yung computher shop ng barkada ko para mag open ng e-mail ad ko baka sakaling nag reply yung kompanyang inaaplayan ko.
Pagdating ko sa shop nya, madaming tao. Walang bakanteng kompyuter para magamit ko. Kaya naman naghintay pa ako ng 30 minuto para makagamit ng isang kompyuter.

Habang naghihintay ako, napansin ko yung isang grupo ng mga bata, edad 14 - 18, tawa sila ng tawa sa isang bidyo na napapanood nila sa youtube. Dahil maurirat akong nilalang, nilapitan ko sila para tingnan at maki usyoso sa pinapanood nila. Hindi ko alam kung bakit sila tawa ng tawa kasi hindi ko naman marinig kung ano yung sinasabi ng mga nagsasalita sa bidyo.
Natapos ang paghihintay ko ng 30 minuto, dahil sa pagiging maurirat ko ulit, naintriga akong panoorin yung pinapanood ng mga bata para malaman ko kung anong nakakatawa dun.

Pumunta ako sa youtube para mapanood na ito.
Sumakit ang tiyan ko kakatawa sa mga bidyo ni Talibong1, ( siya naglagay ng bidyo na yun ).

Akalain mo ba namang pinoy pala ang gumawa ng ISPUP version ng "300". Isang pelikula tungkol sa paglalaban ng Sparta at Persia.
At ito pa, kuhang kuha talaga niya yung pag buka ng bibig at pagpili ng mga salitang aangkop sa galaw ng mga bibig. Aakalain mo talagang marunong mag "ILONGGO" c haring Leonidas, Xerxes at ang mga Spartans. Hahahaha, panoorin nyo to lalo na kung stress kayo, sigurado akong mawawala yan.

Gusto ko sanang ilagay yung bidyo dito kaso ayaw nung naglagay ng bidyo.

Kaya ibibigay ko na lang ang link sa youtube, para naman mapanood nyo rin.
Ito yung link para sa bidyo, "300 - Benjo BORDS!"


Masaya, pramis! hahahhaha.. Sasakit tiyan nyo kakatawa.


At sa'yo Talibong1, mabuhay ka. Ang galing mo at naisipan mong gumawa ng ganung klaseng bidyo. Tawa talaga ako ng tawa, para akong baliw sa loob ng shop dahil sa kakatawa sa bidyo na yan.


Talibong1, Bords, gumawa ka pa sana ng maraming bidyo na katulad nyan. Ait~



MORE POWERS PINOY!

0 Responses to "BORDS!"